Pahayag ito ng Palasyo kasunod ng panibagong kaso ng pagpatay sa OFW na si Constancia Lago Dayag na pinatay umano ng kaniyang employer.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, base sa pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, may nakitaang paglabag ang Kuwaiti government sa MOU.
May ginagawa na aniyang imbestigasyon ang DOLE ukol sa kaso ni Dayag.
Sa ngayon, sinabi ni Panelo na hinihintay pa ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddy” Locsin Jr. ang report ng DOLE.
Matatandaang noong nakaraang taon, nagpatupad ang pangulo ng deployment ban ng mga OFW sa Kuwait matapos patayin at ilagay sa freezer ang bangkay ng OFW na si Joanna Demafelis.