Pagudpud, Ilocos Norte niyanig ng magnitude 4.5 na lindol; Ilang intensities, naitala sa mga kalapit-bayan

 Tumama ang magnitude 4.5 na lindol ang Ilocos Norte, Lunes ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang lindol sa 40 kilometers Northwest ng Pagudpud bandang 2:20 ng hapon.

May lalim ang lindol na 2 kilometers at tectonic ang origin.

Dahil dito, naramdaman ang Intensity 2 sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Intrumental intensities naman sa mga sumusunod:

Intensity 3 – Pasuquin, Ilocos Norte

Intensity 2 – Laoag City

Intensity 1 – Sinait, Ilocos Sur at Claveria, Cagayan

Sinabi ng Phivolcs na ang lindol ay aftershocks ng 5.4 magnitude na lindol sa Ilocos Norte noong May 6, 2019.

Gayunman, walang naitalang pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Read more...