Ayon kay House Majority Leader Fredinil Castro, kailangan lamang nila ng sapat na bilang upang magkaroon ng quorum.
Kabilang sa mga panukalang nakalusot na sa 2nd reading ng Kamara ang naghihintay ng pag apruba sa 3rd and final reading ang House Bill (HB) No. 8909 o ang “An Act Strengthening Drug Prevention And Control, Amending For The Purpose Republic Act No. 9165, As Amended, Otherwise Known As The “Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002” at HB No. 9025 o ang “An Act Creating The Overseas Filipino Workers (OFW) Sovereign Fund”.
Ilan naman sa mga panukalang aprubado na ang Kamara at nasa kamay na ng Senado ang panukalang pagbuo ng Department of Disaster Resilience, Security of Tenure Act, Trabaho Bill o TRAIN 2, Mining Taxes, Alcohol Taxes, Tobacco Taxes, pagpapalit ng 1987 Constitution; HB No. 8858 na mag-aamyenda sa The Juvenile Justice And Welfare Act Of 2005”; HB No. 8837 o ang batas na lilikha sa National Commission Of Senior Citizens, at ang HB No. 8961 o batas na magbabalik ng mqndatory ROTC sa Grade 11 at 12.
Mayroon na lamang na natitirang siyam na session days ang 17th Congress bago sila mag-adjourn.