Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, sanay na si Pangulong Duterte sa paulit-ulit na balitang naoospital kapag hindi nagpapakita sa publiko ng ilang araw.
Dagdag ni Panelo, base sa pakikipag-usap niya noong araw ng Linggo kay Pangulong Duterte, sinabi nito na hindi niya pag-aasakayahan ng panahon ang mga kritiko.
Pagtitiyak ni Panelo, maayos ang kalagayan ng pangulo at nagtatrabaho ito kahit pa hindi nakikita ng publiko.
Regular din aniya ang check-up nito sa kaniyang mga doctor kaya wala aniyang dapat ipag-alala ang publiko.
Kung hindi man aniya nakikita sa publiko si Pangulong Duterte, puro pribadong pakikipagpulong ang ginagawa nito sa Malakanyang o sa kaniyang bahay sa Davao.