Batikos ng mga taga-oposisyon, nakatulong para manalo ang admin bet – Andanar

Naniniwala ang Palasyo ng Malakanyang na malaki ang naitulong ng mga batikos mula sa oposisyon para lalo pang lumamamang sa katatapos na May 13 midterm elections ang mga pambatong senador ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Communications Operations secretary Martin Andanar, nainsulto kasi ang masang Filipino sa mga black propaganda laban sa mga pambatong senador ng administrasyon maging kay Pangulong Duterte.

Bukod sa batikos ng mga taga-oposisyon, nakatulong din sa mga administration candidate ang magandang performance ni Pangulong Duterte.

Dahil aniya sa dami ng mga ginawa ni Pangulong Duterte gaya ng pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga state universities and colleges (SUC), pagbibigay ng libreng gamot, libreng PhilHealth sa mga Person With Disability (PWD), Universal Healthcare Law, libreng irigasyon at iba pa nabighani aniya ang mga botante na paboran na rin ang mga manok ng punong ehekutibo.

Read more...