Sinabi ni Sotto, kabilang na ang Senate Bill No. 2204 o ang Anti-Terrorism Act of 2019 na layon amyendahan ang Republic Act 9372 o ang Human Security Act.
Binanggit din ni Sotto ang Public Services Act na nakabinbin sa second reading at aniya mahalaga ito dahil sa mga isyu sa telekomunikasyon, airlines at tubig.
Aniya, layon ng Senate Bill No. 1754 na maamyendahan ang Commonwealth Act No 146 para mas lubos na mabigyan ng proteksyon at makatiyak ng de-kalidad na serbisyo ang mga konsyumer.
Nais din niya na mabigyang prayoridad ang iniakda niyang Medical Scholarship Act, na ngayon ay nakabinbin sa Committee on Health at layon mabigyan ng scholarships ang mga medical students kapalit ng pagsisilbi sa gobyerno ng limang taon para matiyak na mga mga doktor sa bawat sulok ng bansa.
Magtatapos na ang sesyon sa 17th Congress sa Hunyo 7.