Ayon kay Atty. Renoir Baldovino, hepe ng NBI sa Bacolod City, napaso na ang permiso ng peryahan games noon pang 2016 at hindi na nag-renew pa kaya maituturing na iligal ang operasyon nito.
Kabilang sa mga ipinasara ay ang nasa bayan ng Hinigaran, Murcia, Victorias City, E.B. Magalona at Himamaylan City.
Kasabay ng pagpapasara sa mga peryahan branch, inaresto din ang 36 na staff ng kompanya.
Taong 2014 nang bigyan ng PCSO ng deed of authority ang kompanyang may-ari ng Peryahan ng Bayan pero natapos na ito noong 2016 at hindi na nagrenew pa ang kompanya.
Ilan pa sa paglabag na nakita ng NBI ay ang kawalan ng point of sale device, kawalan ng kinatawan ng PCSO sa tuwing gagawin ang pagbola at ang hindi pagreremit ng kita sa PCSO.