27 na nasa narco-list nanalong mayor at gobernador – PNP

Kinumpirma ni Philippine National Police Chief, Police General Oscar Albayalde na 27 sa mga pulitikong iniuugnay sa operasyon ng iligal na drog ang nanalo sa katatapos na midterm elections.

Sinabi ni Albayalde na sa 47 na mga lokal na pulitiko na kasama sa narco-list, nasa 37 ang tumakbo sa halalan at 27 ang nanalo bilang mayor at governor.

Sa kabila nito, tiniyak ng PNP Chief na patuloy ang imbestigasyon nila sa mga narco-politicians na naluklok sa pwesto.

Dagdag pa niya na karamihan sa mga nanalong narco-politicians ay nasa Central Luzon at Southern Tagalog region.

Read more...