LOOK: Status ng mga dam sa Luzon ngayong araw, May 20

Bumaba pa ang antas ng tubig sa mga dam sa Luzon sa nakalipas na 24 na oras.

Sa update mula sa PAGASA Hydrology, nasa 172.37 meters ang water level sa Angat Dam, alas 6:00 ng umaga ng Lunes, May 20.

Mas mababa pa ito kumpara sa 172.80 meters na water level ng Angat dam noong May 19 ng 6AM.

Ang La Mesa dam naman ay bahagyang nadagdagan ang water level at nagayon ay nasa 68.51 meters kumpara sa 68.49 meters kahapon.

Nabawasan din ang water level sa Ipo dam, Binga dam, San Roque dam, at Pantabangan dam.

Nadagdagan naman ang water level ng Ambuklao dam, Magat dam at Caliraya dam.

Read more...