Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin sa susunod na 3-oras – PAGASA

Itinaas ng PAGASA ang thunderstorm advisory sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA, alas 10:20 ng umaga, malakas na buhos ng ulan na may pagkulog at pagkidlat ang aasahan sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Laguna at Rizal.

Mararanasan ang nasabing lagay ng panahon sa nabanggit na mga lubgar sa susunod na tatlong oras.

Pinayuhan naman ang mga residente na mag-ingat sa posibleng pagbaha at landslides na maaring idulot ng pag-ulan.

Read more...