Maliban sa dalawang kasong murder, inireklamo din ng NBI sa Department of Justice (DOJ) ang direktor ng PNP-Calabarzon, Rizal Provincial director, at Cainta police chief dahi sa cover up sa pagpatay kay Richard Santillan at kasama nitong si Gessamyn Casing.
Sa reklamo ng NBI, nakasaad na matapos ang ilang buwan nilang imbestigasyon ay lumitaw na sinadyang patayin ng walang kalaban-laban sina Santillan at Casing.
Hindi rin totoo ang pahayag ng pulisya na armado ang mga biktima at nanlaban sila sa mga pulis.
Sa reklamo ng NBI na may lagda ni NBI Deputy Director for Investigation Vicente De Guzman III, pinalibutan ng mga armadong lalaku ang mga bitkima at saka sila pinagbabaril.
Kabilang sa inireklamo sa DOJ ang pitong police Cainta sa pamumuno ni Police Lt. Sandro Ortega, apat na opisyal mula sa PNP Highway Patrol Group sa Rizal sa pamumuno ni Police Capt. John Russel Barnacha at sampung tauhan ng Regional Special Operations Unit sa pamumuno ni Police Master Sergeant Rene Eufracio.
Habang inireklamo naman ng obstruction of justice sina Calabarzon police regional director Brig. Gen. Edward Carranza, Rizal police provincial director Col. Lou Evangelista at Cainta police chief Lt. Col. Pablito Naganag.