11 patay sa pamamaril sa isang bar sa Brazil

Patay ang labingisang katao sa insidente ng pamamaril sa isang bar sa northern Brazil.

Nangyari ang pamamaril sa Belem City ayon sa public safety department.

Inaalam pa kung ano ang dahilan ng pamamaril pero pitong katao ang suspek.

Sakay umano sila ng motorsiklo at tatlong kotse nang dumating sa lugar.

Mabilis na tumakas ang mga suspek pero isa sa kanila ay nasugatan at hawak ngayon ng mga otoridad.

Ang mga nasawi ay kinabibilangan ng 6 na babae at 5 lalaki.

Read more...