Masbate niyanig ng M4.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang bayan ng Pio V. Corpuz sa lalawigan ng Masbate.

Ayon sa Phivolcs ang lindol ay naitala sa 4 kilometers northeast ng Pio Corpuz alas 6:45 ng umaga ng Lunes, May 20.

May lalim itong 11 kilometers at tectonic ang origin.

Naitala ng Phivolcs ang instrumental intensity I sa Masbate City at Legaspi City bunsod ng nasabing lindol.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

Read more...