Ayon kay Pagasa weather specialist Elzra Bulquerin, hindi pa sapat ang naitatalang dami ng pag-ulan para maideklara ang rainy season.
Sa ngayon southwesterly surface windflow ang umiiral sa bansa at apektado nito ang western sections ng Luzon at Visayas.
Dahil dito ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may na may isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.
Magiging mainit pa rin ang temperatura sa malaking bahagi ng bansa.
MOST READ
LATEST STORIES