Mga pasahero ng LRT-2 inabisuhan sa mas mahabang waiting time

Credit: Ahya Lopez

Matapos ang aksidente na naganap sa LRT-2 kung saan dalawang tren nito ang nagkabangaan ay mas magiging mahaba ang interval ng pagdating ng mga tren sa mga istasyon.

Ayon kay LRTA Spokesperson Hernando Cabrera, mula sa 9 na tren na karaniwang umaandar kada araw ay 7 tren na lamang ang operational ngayon.

Mangangahulugan ito ng mas mahabang oras ng paghihintay ng mga pasahero sa mga istasyon bago makasakay ng tren.

Sinabi ni Cabrera na maaring umabot ng 10 minuto ang paghihintay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng binuong fact finding committee sa nangyaring banggaan.

Partikular na aalamin kung paanong umandar ang nakaparadang tren sa Anonas Station dahilan para sumalubong ito sa isang tren na galing Cubao at patungong Anonas.

Read more...