NYC chair Ronald Cardema, ikinukunsiderang resigned na ng Palasyo

Ikinukunsidera na ng Palasyo ng Malakanyang na resigned na bilang chairman ng National Youth Commission (NYC) si chairperson Ronald Cardema.

Pahayag ito ng Palasyo matapos ang hirit ni Cardema sa Commission on Elections (Comelec) na palitan ang kaniyang asawa bilang first nominee sa Duterte Youth Partylist group.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, agad na maghahanap si Pangulong Rodrigo Duterte ng kapalit ni Cardema na totoong magsusulong ng kapakanan ng mga kabataan.

Inaatasan ng Palasyo si Cardema na agad na bakantehin ang kaniyang puwesto at i-turn over sa Office of the President ang lahat ng official papers, documents at properties na kaniyang hinahawakan ngayon.

Sinabi pa ni Panelo na kahit na ano pa man ang maging desisyon ng Comelec sa hirit ni Cardema, maikukunsiderang abandonado na ng opisyal ang kaniyang puwesto dahil sa paghahangad na magsilbi sa bayan sa ibang kapasidad.

Read more...