Tumama ang magnitude 3.8 na lindol sa Camarines Sur, Linggo ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang lindol sa layong 14 kilometers Southwest ng Balatan bandang 8:36 ng gabi.
May lalim ang lindol na 102 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang naitalang pinsala sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES