Motorcycle rider, sugatan matapos bumangga sa ambulansya sa Cebu City

Inquirer file photo

Sugatan ang isang motorcycle rider matapos bumangga sa isang ambulansya sa Cebu City, Linggo ng hapon.

Ayon sa Mabolo Police Station, lumabas sa inisyal na imbestigasyon na binabagtas ng ambulansya ang pakurbang bahagi ng Barangay Busay nang makasalubong ang motorsiklo na nasa maling lane.

Dadalhin sana ng drayber ng ambulansya na si John Carlo Pono ang isang pasyente sa Vicente Sotto Memorial Medical Center nang mangyari ang aksidente.

Gayunman, hindi nasugatan si Pono at ang sakay na pasyente at halip, tumuloy patungong ospital.

Nagtamo naman ng sugat ang motorcycle rider na si Christian Tedlos sa ulo at katawan.

Ayon sa pulisya, ito ay dahil hindi nakasuot ng helmet si Tedlos.

Dinala naman si Tedlos sa parehong ospital.

Read more...