Doktor, natagpuang patay sa banyo ng NAIA Terminal 3

Inquirer file photo

Natagpuang patay ang isang doktor sa banyo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, Linggo ng umaga.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), nakatanggap sila ng ulat na natagpuang walang malay si Dr. Richard Alexander Diaz Pareñas sa banyo ng domestic pre-departure area pasado 8:00 ng umaga.

Si Pareñas ay nagtatrabaho bilang legal officer III ng Viga District Hospital sa Catanduanes, Bicol.

Nakatakda sanang bumiyahe si Pareñas sa Cebu Pacific flight 5J 875 patungong Davao bandang 8:30 ng umaga.

Agad rumesponde ang medical team ngunit idineklara ring patay kalaunan.

Dinala na ang mga labi ni Pareñas sa Veronica Funeral Homes.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

Read more...