Villar, Poe nangunguna pa rin sa senatorial race – Comelec tally

Nangunguna pa rin sina reelectionist senators Cynthia Villar at Grace Poe sa senatorial race batay sa partial at official tally ng Commission on Elections (Comelec).

Narito ang bilang ng mga boto ng mga senatorial candidate hanggang 7:20, Linggo ng gabi:
1. Cynthia Villar – 24,757,642
2. Grace Poe – 21,563,558
3. Christopher “Bong” Go – 20,223,738
4. Pia Cayetano – 19,390,096
5. Ronald “Bato” Dela Rosa – 18,639,583
6. Edgardo “Sonny” Angara – 17,786,740
7. Lito Lapid – 16,587,742
8. Imee Marcos – 15,362,702
9. Francis Tolentino – 15,196,397
10. Aquilino “Koko” Pimentel III – 14,395,957
11. Ramon “Bong” Revilla Jr. – 14,279,625
12. Nancy Binay – 14,065,071

Nasa pang-13 pwesto pa rin si reelectionist senator JV Ejercito na may botong 13,983,153.

Pang-14 na pwesto si reelectionist senator Bam Aquino na may 13,895,154 votes habang pang-15 naman si dating senador Jinggoy Estrada na may botong 11,085,896.

Nasa 97.01 percent na ang na-canvass na certificate of canvass (COC) ng Comelec bilang National Board of Canvassers.

Inaasahan naman ng poll body na matatapos ang canvassing sa araw ng Lunes.

Itutuloy naman ang canvassing bukas, araw ng Lunes, bandang 1:00 ng hapon.

Read more...