Liza Soberano, sumailalim sa ikatlong finger surgery

Sumailalim ang aktres na si Liza Soberano sa ikatlong operasyon para sa kaniyang daliri.

Ito ay matapos magtamo ng finger injury si Liza sa shoot ng teleseryeng “Bagani” noong August 2018.

Nag-post ang kapatid nito na si Justin sa kaniyang Instagram story kung saan makikita ang daliri ng aktres.

Aniya, masaya siya na naging maayos ang operasyon ni Liza.

Ang naturang finger injury ang naging dahilan kung bakit nag-backout ang aktres sa role ng Pinay superhero na ‘Darna.’

Read more...