Palasyo, pinabulaanang isinugod sa ospital si Pangulong Duterte

Pinabulaanan ng Palasyo ng Malakanyang na isinugod sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, walang katotohanan ang kumakalat na balita sa social media.

Sa pagkakaalam ni Medialdea, nagpapahinga si Duterte sa kaniyang quarter.

Pinabulaanan din ng long time aide ni Pangulong Duterte na si Senator-elect Christopher “Bong” Go na nakaratay sa ospital ang punong ehekutibo.

Huling nagkaroon ng public appearance ang pangulo nang bomoto noong May 13 elections sa Davao City.

Read more...