Benjamin sa breakup kay Julie Anne: ‘Hindi na kailangang ipaliwanag’

Tumanggi na si Benjamin Alves na ipaliwanag ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Julie Anne San Jose.

Ayon kay Benjamin, hindi na kailangan at ayaw niyang ipaliwanag ang dahilan ng breakup dahil wala naman itong maitutulong na mabuti.

Dagdag ng aktor, ilang buwan naman na silang hiwalay ng singer-actress kaya lipas na ang pangyayari.

Kahit si Julie Anne ang mas pinaboran ng publiko ay naging gentleman si Benjamin at hindi na nito dinepensahan ang sarili.

Ang hiwalayan kay Julie Anne ay nasabayan ng pagluluksa ni Benjamin sa pagpanaw ng kanyang ama.

Read more...