Nagpatawag ang Austrian chancellor ng snap election matapos magbitiw sa pwesto ang kanyang vice chancellor na sangkot sa iskandalo kaugnay ng umanoy kurapsyon.
Nag-resign di Vice chancellor Heinz-Christian Strache matapos kumalat ang video kung saan mapapanood itong nag-aalok ng mga kontrata ng gobyerno sa umanoy mga Russian investors.
Mapapanood sa video na binabanggit ng vice chancellor ang mga state contracts kapalit ng umanoy pabor mula sa isang babae na nagpapanggap na pamangkin ng isang mayamang Russian.
Ayon kay Chacellor Sebastian Kurz, wala silang mapag-kasunduan ng vice chancellor.
Sa kanyang anunsyo sa media ay sinabi ni Strache na iiwan niya ang kanyang pwesto bilang vice-chancellor at pinuno ng kanilang Partido pero itinanggi nito na may nalabag siyang anumang batas.
Lumabas ang video ilang araw bago ang European parliament elections.