Pacquiao nag-host ng dinner party para sa ‘incoming senators’

Sen. Ralph Recto photo

Nag-host si Senator Manny Pacquiao ng dinner party para sa mga senatorial candidates na pasok sa Magic 12 sa natapos na May 13 elections.

Ibinihagi ni Sen. Ralph Recto ang larawan ng dinner ng “incoming senators.”

Sen. Koko Pimentel photo

Kasama sa dinner ang administration candidates na sina Bong Go, Ronald dela Rosa, Francis Tolentino at Koko Pimentel at si dating Senador Bong Revilla.

Hanggang Sabado ng gabi ay kasama ang nasabing mga kandidato sa Top 12 ng senatorial race.

Nagbahagi rin si Pimentel ng ilang larawan ng naturang salo-salo.

Sen. Koko Pimentel photo

Kasama sa dinner sina Senate Pres. Tito Sotto, Sen. Migz Zubiri at si PDP-Laban deputy campaign manager Dong Gonzales gayundin ang misis ni Pimentel na si Kathryna at si PDP-Laban vice chairman Energy Sec. Alfonso Cusi.

Sen. Koko Pimentel photo

Hanggang araw ng Linggo ay wala pang naproklamang mga nanalong senador ang Comelec.

Read more...