Ipinakita sa publiko ng Philippine Navy ang kanilang mga bagong kagamitan bilang bahagi ng kanilang founding anniversary ngayong buwan.
Pagkatapos ng “run for the Nvy” fun run kaninang umaga ay binuksan sa Navy headquarters sa Maynila ang isang exhibit na nagtatampok sa kanilang mga naval assets.
Kabilang dito ang submarine destroyer na the AW-109 helicopter, V150 armored vehicle ng Philippine Marines, search and rescue equipments at mga armas ng naval special operations group.
Ang BRP Emilio Jacinto (PS-35) ay binuksan rin sa publiko.
Sa kanilang pahayag, sinabi ng pamunuan ng Philippine Navy na patuloy ang improvement sa kanilang mga pasilidad.
Ang Jacinto-class vessels ay kabilang sa mga makabagong barko ng Navy ay dating gamit ng Royal Navy ng Hong Kong Squadron bago ito naibigay sa bansa noong 1997.
Sa May 27 ng taong kasalukuyan ay ipagdiriwang ng Philippine Navy ang kanilang 121st founding anniversary.