Ateneo tinanghal na UAAP Season 81 women’s volleyball finals Champion

Photo by Tristan Tamayo/INQUIRER.net

Pinadapa ng Ateneo ang University of Sto. Tomas, 25-17, 25-22, 25-22 para sungkitin ang panalo sa Game 3 ng UAAP Season 81 women’s volleyball finals sa Mall of Asia Arena.

Nakuha ng Lady Eagles ang kanilang third title sa loob ng anim na taon.

Noong 2015 ay tinalo rin nila Golden Tigress na siya sanang pagkakataong magkampeon sa torneo ng UST sa nakalipas na siyam na taon.

Ang UST ang unang nanalo sa final match sa pamamagitan ng three-set sweep, 25-17, 25-16, 25-20, bago sila binuweltahan ng Ateneo sa Game 2, 26-24, 14-25, 25-21, 25-15.

Kaugnay nito ay nagpasalamat ang Ateneo sa kanilang mga taga-suporta dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kanilang kakayahan sa liga.

Read more...