Motorsiklo binangga ng bus dalawa patay sa Cebu

Police banner

Patay ang dalawa katao habang tatlo ang sugatan nang mabangga ng pampasaherong bus ang isang motorsiklo sa Barangay Bato sa bayan ng Argao lalawigan ng Cebu.

Nakilala ang nasawi na sina Marilou Campomanes, na sakay ng motorsiklo at ang pedestrian na si Trinidad Quevido, 23 anyos.

Ayon sa Argao Police Station, tinangkang mag-overtake ng motorsiklo sa isang sasakyan pero nakasalubong nito ang bus.

Sinikap pa umano ng bus na iwasan ang motorsiklo pero nawalan na ng kontrol kaya sumalpok sa motorsiklo at nahagip naman ang tatlong pedestrian na nasa gilid ng kalsada.

Sa lakas ng banggaan ay tumilapon ang dalawang sakay ng motorsiklo.

Sugatan sa pangyayari ang motorcycle rider na nakilalang si Jonard Malinao at ang dalawang pedestrian na sina Miguelito Cortes, 26; at Mark Joefil Ceballos, 19.

Ang bus driver na nakilalang si Ryan James Alistre,  37 anyos ay naka-detine ngayon sa Argao Police Station habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.

Read more...