3 Pinoy na dinukot sa Libya nakalaya na

Pinalaya na ang tatlong Filipino at isang South Korean na binihag ng armadong grupo sa Libya araw ng Biyernes.

Sa tulong ng United Arab Emirates, pinakawalan ang mga bihag na pawang mga civil engineer na nakatalaga sa isang desallination plant sa Libya.

Kinumpirma ng foreign ministry ng UAE ibinyahe na ang mga apat patungo sa Abu Dhabi para sa repatriation.

Samantala, nagpasalamat naman si Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin, Jr. sa mga tumulong sa negosasyon para mapalaya ang mga bihag.

Tiniyak naman ng DFA na katuwang nila ang Department of Labor and Employment sa pagbabantay para sa kaligtasan ng mga OFWs sa nasabing bansa.

Read more...