Posibleng makapagproklama na ang Commission on Elections (COMELEC) nang mga nanalo sa senatorial race at partylist group sa araw ng Linggo, May 19.
Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez wala pa naman silang pormal na imbitasyon sa mga nanalong kandidato bagamat nagpaabot na ng abiso sa ilan sa mga ito bilang paghahanda na rin.
Binigyang diin pa ni Jimenez na pawang mga tentative pa lamang ang schedule ng proclamation dahil nais nilang isang seremonya lamang ang gawin sa senator at partylist.
Kapag natapos na ng Comelec bilang National Board of Canvasser, ang pagbibilang sa mga nalalabing election returns ay maaaring gawin ang proklamasyon alas-4:00 ng hapon sa linggo.
Ang mga ipoproklamang kandidato ay papayagan na magkaroon ng limang kasama at isang photographer.