Naghigpit na ng seguridad sa mga paliparan laban sa posibleng pagpasok sa bansa ng African swine fever (ASF).
Kasunod ito ng outbreak ng ASF sa Hongkong.
Inatasan ni Agriculture Secretary Emmanuel Pinol ang Bureau of Animal Industry na magpatupad ng mas mahigpit na patakaran sa pagpasok sa bansa ng mga meat products mula sa Hongkong.
Nauna nang nagpatupad ng ban ang DA sa mga ive animals mula sa Hongkong kaugnay pa rin ng ASF.
Ang mga pasahero na magpapasok sa bansa ng mga meat at agricultural products ng walang kaukulang permiso partikular mula sa mga bansang apektado ng ASF ay pagmumultahin ng aabot sa P200,000.
MOST READ
LATEST STORIES