Isinulong sa House Bill 8958 ang pagpapalit ng pangalan ng NLEX bilang pagkilala kay Del Pilar na ipinanganak sa Bulacan.
Ang bill na inakda ni Bulacan First District Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado ay wala pang bersyon sa Senado.
Ang bayaning si Del Pilar ay isang manunulat, abogado, mamamahayag at editor ng revolutionary paper na La Solidaridad.
Samantala, sinabi ni NLEX Corporation Senior Vice President for Communication ang Stakeholder Management Romulo Quimbo na hihintayin nila ang ilalabas na implementing rules and regulations (IRR) ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Hati naman ang reaksyon ng mga taga-Bulacan sa panukala.
Ilan ang excited na sa pagpapalit ng pangalan ng NLEX habang ang iba ay tutol na gawin itong Marcelo H. del Pilar Expressway.
Katwiran ng mga tutol, hindi lamang sa Bulacan bumabagtas ang NLEX kundi sa ilang lalawigan at ilang syudad ng Metro Manila.