Nadal wagi sa Italian Open semis; Federer at Osaka nagtamo ng injury

AP photo

Parehong nag pull-out sina Roger Federer at Naomi Osaka sa Italian Open bago ang kanilang laban sa quarter finals dahil sa injury.

Kasabay nito ay tinalo naman ni Rafael Nadal si Fernando Verdasco sa semis para sa posibleng rematch kay Stefanos Tsitsipas sa finals.

Umabante si Tsitsipas dahil sa leg injury ni Federer bago ang laban nito.

Si Nadal naman ay nasa ika-apat na sunod na semi-finals sa Italian Open bago ang pagsabak nito sa 12th French Open.

Samantala, ang kasalukuyang Australian Open champion na si Osaka ay nagsabi na hindi siya makakapag-laro dahil sa problema sa kanyang hinlalaki.

Read more...