Hukom na humahawak sa kaso ni Sen. Leila de Lima naghain ng early retirement

Hindi matutuloy ang pagdinig sa drug case ni Senator Leila de Lima sa darating na Hunyo 5 dahil naghain ng early retirement si Judge Amelia Corpuz ng Muntinlupa RTC Branch 256.

Dinidinig ni Corpuz ang kasong conspiracy to commit illegal drug trading na isinampa ng DOJ laban kay de Lima.

Sa susunod na buwan nais ni Corpuz makapag-retiro na sa serbisyo.

Ikalawa na siya sa mga hukom na may hawak ng kaso ni de Lima na nag-early retirement, nauna na sa kanya si Judge Patria de Leon ng RTC Branch 206.

Bukod diyan apat na hukom na rin ang nag-inihbit sa paghawak sa mga drug cases ng senadora, sina Judge Juanita Guerrero ng RTC Branch 204, Judge Antonietta Medina ng RTC Branch 276, Judge Myra Bayot, ng RTC Branch 203 at Judge Lorna Domingo ng Branch 206.

Read more...