Sen. Bam Aquino nagpasalamat sa mga tagasuporta

I’m OK!

Ito ang inanunsiyo ni Senator Bam Aquino sa mga nangungumusta sa kanyang kalagayan habang nagpapatuloy ang canvassing ng mga boto para sa mga senatorial candidates.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Aquino na nagsalita na siya matapos ang eleksyon noong Lunes dahil sa pangangamusta ng kanyang mga kaibigan.

Hiniling din niya na ipagpatuloy lang ang pagdarasal para sa kanya, gayundin sa bansa.

Pinasalamatan na rin niya ang mga sumuporta sa kanya at sa mga kapwa niya kandidato sa Otso Diretso.

Sinabi na rin nito na hindi man siya palarin na muling mahalal, hindi mawawala ang pagmamahal niya sa mga Filipino.

Sa opisyal na pagbilang sa mga boto, tanging sina Aquino at dating Sen. Mar Roxas, ng Otso Diretso, ang may tsansa pa na makapasok sa Top 12, ngunit sa mga unofficial results ay pang-14 at pang-16 ang dalawa.

Read more...