Chinese, 3 iba pa timbog sa buy bust sa Valenzuela City; P20M halaga ng shabu, nasabat

Arestado ang isang Chinese national at tatlong indibidwal sa ikinasang buy bust operation ng PDEA kung saan nakuha ang P20 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Valenzuela City.

Kinilala ng mga otoridad ang mga suspek na si Wu Lianlai, Florencio Serdon, Sunbenny Marquez Jr., at Christopher Dela Cruz.

Nakumpiska ang tatlong kilo ng umano’y shabu sa mga suspek na naninirahan sa isang apartment sa Bahayang Pag-Asa, Brgy. Maysan sa nasabing lungsod.

Nakuha rin ang marked money na ginamit para sa entrapment operation.

Isinagawa ang operasyong ito ng PDEA Calabarzon kasama ang PDEA agents mula sa Bangsamoro ARMM at NCR, at mga miyembro ng PDEA Special Enforcement Services.

Nasa kustodiya na ng PDEA Calabarzon sa Calamba, Laguna ang mga suspek at sasampahan ng kaso ang apat.

 

 

 

 

Read more...