Ang proklamasyon ay gagawin umano alas 4:00 ng hapon araw ng Linggo, March 19.
Inanunsyo na rin ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang tentative schedule ng proklamasyon ng mga nanalong senador at mag party list ay sa Linggo.
Hindi rin aniya maaring magmadali sa pagproklama dahil kailangan pang kalkulahin ang bilang ng boto para sa mga party list.
Si Villar ang nangunguna sa senatorial polls na may 25,038,760 na boto at sinundan ni Poe na may 21,862,839 votes.
Ito ay base sa 97.88 percent na nakalap na boto na inilalabas sa PPCRV-Inquirer Transparency Server.
MOST READ
LATEST STORIES