2 patay sa aksidente sa Cebu

Inquirer file photo
Patay ang dalawang katao matapos mabangga ng bus ang isang motorsiklo sa Argao, Cebu Biyernes ng tanghali.

Ayon kay Police Staff Sergeant Howard Minopas ng Argao Police Station, natanggap ang ulat ukol sa aksidente bandang 11:17 ng umaga.

Naganap ang aksidente sa harap ng Argao Provincial Hospital.

Sa ngayon, rumesponde na ang pulisya at patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa aksidente.

Read more...