Nais ni Senator Win Gatchalian na magkaroon ng isang independent agency na mangangalaga sa kapakanan ng mga electric consumer.
Sa inihain niyang Senate Bill No. 2222 o ang Energy Consumer Advocate Act, gusto ni Gatchalian na bumuo ng Energy Consumer Advocate Office, kung saan magkakaroon ng representasyon ang mga konsyumer sa lahat ng mga usapin o isyu na may kinalaman sa kuryente.
Pinansin ng namumuno sa Senate Committee on Energy ang kawalan ng representasyon sa panig ng mga konsyumer sa Energy Regulatory Commission.
Pagdidiin ng senador dapat ay kinikilala ng gobyerno ang karapatan ng mga konsyumer sa makatuwiran halaga ng kuryente, sa sapat at maaasahan suplay at maayos na serbisyo.
Aniya ang nais niyang mabuo na ahensiya ay sasailalim sa pangangasiwa ng Department of Energy at ito ay pamumunuan ng Energy Consumer Advocate.