Bagong mayor ng Araceli, Palawan nagwagi sa pamamagitan ng toss coin

Sa pamamagitan ng toss coin idineklarang nagwaging mayor sa bayan ng Araceli sa Palawan si Sue Cudilla.

Ipinroklama ng municipal board of canvassers si Cudilla, Biyernes (May 17) ng hapon bilang nagwaging mayor ng Araceli laban sa katunggali niya na si incumbent Mayor Noel Beronio.

Si Cudilla ang nawagi sa toss coin at nakuha ang tatlong tails sa best-of-three toss gamit ang P1 coin.

Kapwa nakakuha ng botong 3,495 sina Cudilla at Beronio sa katatapos na eleksyon.

Si Cudilla ay dati na ring naging mayor sa nasabing bayan.

Read more...