Warriors wagi kontra Blazers sa game 2 ng NBA Western Conference finals

2-0 na ang series ng NBA Western Conference finals pabor sa Golden State Warriors.

Natalo ng Warriors ang Portland Trail Blazers sa Game 2 sa iskor na 114-111.

Sa huling apat na minuto at tatlumpung segundo ng laro, lamang pa ng walong puntos ang Portland kontra sa Warriors.

Ngunit, hindi nagpatinag ang Warriors at umarangkada para maungusan ang Trail Blazers.

Ayon kay Warriors player Draymond Green, ang kanilang pagkapanalo ay bunsod ng hindi pagpapatalo ng lahat ng manlalaro sa kanilang koponan.

Nakapagtala naman si Stephen Curry ng 37 points sa nasabing laro.

Samantala, nakatakda ang Game 3 ng best-of-seven series sa Portland, Sabado ng gabi (oras sa Amerika) habang araw naman ng Linggo sa Pilipinas.

Read more...