Menor de edad arestado sa matapos makuhanan ng baril sa Makati

Arestado ang isang 17 taong gulang na lalaki dahil sa illegal possession of gun and ammuniation sa Makati City, Huwebes ng gabi.

Ayon sa Makati police, bago maaresto, nakatanggap sila ng inisyal na impormasyon ukol sa umano’y shooting incident sa bahagi ng Dian Street corner Diesel Street sa Barangay Palanan bandang alas diyes ng gabi.

Nang madatnan ang lokasyon, nakita ng pulisya na pinigilan ng isang concerned citizen ang suspek.

Ayon sa nagreklamong si Angelo Petilia, 21 anyos, nasa labas siya ng kanyang bahay nang lapitan siya at tutukan ng suspek ng baril.

Dagdag pa nito, tinulungan siya ng mga tambay para hindi matuloy ang balak ng armadong lalaki.

Nakuha sa suspek ang isang Austrian-made na Glock 17 pistol at isang magazine na kargado ng limang bala.

Dinala na ang suspek sa Station Investigation and Detection Management section ng Makati City police.

Read more...