Binati ng Department of Education o DepEd ang mga guro at iba pang empleyado na nagserbisyo sa May 13 midterm elections.
Sa inilabas na pahayag, nagpasalamat si Secretary Leonor Briones dahil sa pagpapatuloy ng demokrasya sa bansa sa kabila ng panganib na dulot nito.
Ayon naman kay Alain Del Pascua, DepEd Undersecretary for Administration at chairman ng Election Task Force (ETF), maikokonsidera bilang maayos at payapa ang eleksyon.
Samantala, nakatanggap ang E-T-F ng kagawaran ng kabuuang 131 thousand 526 na report ukol sa mga hindi nagbayad ng honorarium at allowance, nagtamo ng sugat at harassment, nasirang mga eskwelahan, pumalyang vote counting machines, at mga isyu sa transmission, marking pen, final testing at sealing at iba pa.
Nagpasalamat din si Pascua sa pagsasakripisyo para magsilbi sa nagdaang halalan.
Matatandaang mahigit-kumulang 500 thousand na guro at empleyado ang ipinakalat ng DepEd para sa 2019 polls.