Patay sa banggaan ng truck at van sa Leyte umakyat na sa 9; 12 iba pa ang sugatan

Umakyat na sa siyam ang nasawi sa salpukan ng truck at pampasaherong van sa Babatngon, Leyte, Biyernes (May 17) ng umaga.

Sakay ng van ang magkakamag-anak na patungo sana ng Tacloban upang mamili ng ipanghahanda sa fiesta sa kanilang barangay.

Ang 6-wheeler truck naman na may lulang mga baboy ay patungong Babatngon.

Dead on the spot ang walo sa mga biktima habang ang isa ay binawian ng buhay sa ospital.

Lahat ng nasawi ay pawang pasahero ng van.

Sugatan naman ang 9 na iba pang sakay ng van at ang driver ng truck na si Wenwen De Leon at ang rider at helper nito.

Read more...