LOOK: Ilang lansangan sa Metro Manila sasailalim sa repair at reblocking ngayong weekend

Simula mamayang alas 11:00 ng gabi, ilang bahagi ng EDSA ang hindi madaraanan ng mga motorista.

Bunga ito nang isasagawang road repairs at reblocking ng DPWH.

Sa southbound portion, ang 2nd lane mula sa MRT Line sa EDSA-Aurora Boulevard tunnel at aayusin.

Sa northbound naman, kukumpunihin ang outer lane ng EDSA, 50 metro mula sa Magalllanes MRT Station hanggang sa KM 29 at mula KM 27 hanggang KM 26.

Gayundin ang harapan ng Baliwag Transit mula New York, 1st and 2nd Lane mula sa sidewalk.

Aayusin din ang bahagi ng C-5 Road sa tapat ng SM Aura at Market Market.

Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan na ang mga naturang lugar at humanap na lang ng mga alternatibong madadaanan.

Madadaanan muli ang mga aayusin kalsada alas 5:00 ng umaga ng Lunes, Mayo 20.

Read more...