27 milyong estudyante magbabalik-eskwela sa pagbubukas ng klase sa Hunyo

Inaasahan ng Department of Education (DepEd) na aabot sa mahigit 27 milyong mag-aaral sa elementarya at high school ang magbabalik-eskwela sa pagbubukas ng school year 2019-2020.

Ayon kay DepEd Sec. Tonisito Umali maari pang madagdagan ang nasabing bilang habang papalapit ang araw ng pasukan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer. hinikayat din ni Umali ang mga mag-aaral at mga magulang na makilahok sa Brigada Eskwela.

Ito ay upang matiyak na maayos at malinis ang lahat ng paaralan na dadatnan ng mga mag-aaral sa pagbubukas ng klase.

Una nang idineklara ng DepEd na June 3 araw ng Lunes ang pagbubukas ng klase sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa.

Read more...