Jackpot prize sa Lotto 6/42 aabot na sa P10M

PCSO photo

Posibleng umabot na sa P100 milyon ang jackpot prize ng Lotto 6/42 sa araw ng Sabado, May 18.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) walang nakakuha ng winning number combination na 08-09-30-18-22-38 noong Huwebes ng gabi.

Aabot na noon sa P96 milyon ang jackpot prize sa 6/42.

Nanalo naman ng tig-P25,000 ang 37 mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-P390 naman ang 2,442 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balik ang P24 taya ng 35,876 mananaya na nakatatlong numero.

Ang 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Noon pang March 2 walang tumatama sa jackpot prize ng 6/42.

Read more...