Same-sex marriage pinapayagan na sa Taiwan

Courtesy of AP
Pinapayagan na ang same-sex marriage sa Taiwan.

Ito ay makaraang maipasa ang batas na nagbibigay-daan para sa mga same-sex couples sa Taiwan na makapagpakasal.

Ang Taiwan ang kauna-unahang bansa sa Asya na nagpasa ng same-sex marriage law.

Sa isinagawang botohan, ganap na naipasa ang batas kung saan makukuha din ng same-sex couples ang buong legal marriage rights sa mga usapin ng pagbabayad ng buwis, insurance at child custody.

Noong May 2017, pinayagan na ng Constitutional Court ng Taiwan ang same-sex marriages at binigyan ang parliament ng dalawang taon para magsagawa ng adjustment sa batas.

Read more...