#WALANGPASOK: June 11 special non-working holiday sa Rizal

Idineklarang special non working holiday ng Malakanyang ang June 11, 2019, araw ng Martes sa lalawigan ng Rizal.

Sa bisa ng proclamation number 726 na nilagdaan ni Executive Sec. Salvador Medialdea, ang holiday ay para sa ika-118 founding anniversary ng lalawigan ng Rizal.

Sakop ng holiday ang 13 bayan at 1 lungsod sa buong lalawigan.

Layon ng deklarasyon na mabigyang pagkakataon ang mga mamamayan ng Rizal na makiisa sa mga aktibidad at pagdiriwang para sa nasabing petsa.

Ang naturang araw ay dudugtong sa June 12 na isa namang nationwide regular holiday dahil sa Araw ng Kalayaan.

Read more...