Mayoralty race sa isang bayan sa Palawan idadaan sa toss coin matapos mag-tabla ang boto ng dalawang kandidato

Dadaanin sa toss coin ang magiging resulta ng mayoralty race sa bayan ng Araceli sa lalawigan ng Palawan.

Ito ay makaraang mag-tie o maging patas ang nakuhang boto ng dalawang kandidato sa pagka-mayor.

Base sa official tally, kapwa nakakuha ng 3,495 na boto sina reelectionist Noel Beronio at katunggali nitong si Sue Cudilla.

Itinakda na ng Commission on Elections sa lugar ang toss coin sa pagitan ng dalawang kandidato ngayong hapon ng Biyernes (May 17).

Kung sino ang mananalo sa toss coin ay siya ang ipoproklamang nagwaging mayor.

Read more...